Baron Geisler nakipagkamayan at sinapak sa mukha WATCH 2016

66 views

0   0

(c)Mocha Uson Blog
Source: https://www.facebook.com/Mochablogger/videos/10154271186586522/
May nag email po sa akin at nag send ng video kung ano daw talaga ang totoong nangyari sa pinaka-latest na kinasangkutang gulo ni BARON GEISLER. Eto po ang kanyang email at Video. ANO PO MASASABI NYO?

SENT TO MY EMAIL-

"Magandang Araw po. Ito po ay isa pang video footage ng away nina Baron at Kiko sa Tomato kick MOrato nung Free Maricon Montajes na Benefit Gig. Gusto ko lang po magbigay ng paglilinaw kasi andaming mga maling chismis dun sa naganap.

Andun po ako that night. Nagpunta ako kasama ilang friends para magbigay din ng tulong dun sa mga political prisoners na ilang taon na nakakulong nang walang dahilan. Mapipyansahan na kasi kaya nagpapafundraising yung event. Mukha namang ayos nung umpisa, gusto lang talaga ng lahat makatulong para kay Maricon.

Andun si Kiko Matos (indie actor) dumating mga bandang 9pm, may kasama na mga tatlong lalaki. They sat on the opposite side from us katabi ng door. Di ko alam kung sino nag-imbita pero andoun siya. Maya-maya dating si Baron Geisler tsaka isang girl na nakastripes. Tapos si Baron mukhang nakainom na yata. Anyway, nagstart na yung mga banda tapos every band, sumisingit si Baron tapos kakanta. Ang awkward kasi scene stealer pero he supports the cause. Nagpapaikot nga din siya nung kahon para magdonate mga tao.

Pansin na namin ng friends ko na naiirita si Kiko sa kanya kasi may time na binangga niya si Baron sa may pinto. Tapos we heard din Kiko calling him “Kupal” and telling him to leave the stage. Bandang gitna ng event, kumanta ulit si Baron tas inasar siya ulit ni Kiko. Nagalit na si Baron and nagkainitan sila tsaka nagkasagutan nang masama pero Baron told Kiko to make peace and asked to just forget about it na lang. Nagkalapit sila to shake hands. Tapos biglang tinulak at sinapak ni Kiko si Baron. Nagulat kami lahat sa loob pati mga tao sa labas, pero buti naawat agad kasi andami lalaki sa loob na humaharang-harang din sa kanila (makikita niyo rin po sa video). Umalis na si Kiko pero pinagstay at kinausap muna si Baron. Kalmado lang, mukhang ayaw talaga ng away kasi respetado naman daw niya ang advocacy ng event. Nagpunta lang talaga sila tsaka kami para makatulong dun sa nakulong tapos maaagrabyado pa.

Ito po yung tunay na nangyari, at sana po e mairelease ninyo ang bidyo at ang kwento. Wag niyo lang po ireveal ang identity ko, para na rin sa kaligtasan ko po. Salamat."
View More
Comments